Martes, Pebrero 8, 2011

Panu nga ba makakalimutan ang lungkot kung kahit ang batang tatlong taong gulang ay naaalala pa at naghahanap ng kasagutan?

Nakasanayan ko nang makipaglaro sa mga batang anak ng aming kapitbahay tuwing pagkagising ko sa umaga. Kanina naabutan ko na madami sila sa labas ng gate namin. Nagulat ako sa tanong ng isang bata, "Ate, asan na yung baby mo?". Natulala ako. Nanlamig. Hindi ko alam ang isasagot ko. Parang gusto ko bigla magdrama. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag para maintindihan nya ang pangyayari na kahit ako hindi ko kayang ipaliwanag sa sarili ko. Para mapigilan ang pagpatak ng luha, ang tanging nasabi ko lang, "ikaw talaga.." "natatandaan mo pa pala sya.." "halika nga, may kendi ako dito."

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento