Panu nga ba makakalimutan ang lungkot kung kahit ang batang tatlong taong gulang ay naaalala pa at naghahanap ng kasagutan?
Nakasanayan ko nang makipaglaro sa mga batang anak ng aming kapitbahay tuwing pagkagising ko sa umaga. Kanina naabutan ko na madami sila sa labas ng gate namin. Nagulat ako sa tanong ng isang bata, "Ate, asan na yung baby mo?". Natulala ako. Nanlamig. Hindi ko alam ang isasagot ko. Parang gusto ko bigla magdrama. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag para maintindihan nya ang pangyayari na kahit ako hindi ko kayang ipaliwanag sa sarili ko. Para mapigilan ang pagpatak ng luha, ang tanging nasabi ko lang, "ikaw talaga.." "natatandaan mo pa pala sya.." "halika nga, may kendi ako dito."
Escape
Martes, Pebrero 8, 2011
Linggo, Pebrero 6, 2011
AKO at ANG DEMONYONG AKO
Natatakot ako sa sarili ko. Ngayon ko lang nakita na kaya ko mag-isip ng mga bagay na hindi ko naisip dati. Malapit na ako maniwala na Babae si Satanas, ayun sa isang blog na sinusubaybayan ko.
Hindi ko alam kung ilang ulit ko kailangan sabihin at pakinggan ang kantang Leaving Yesterday Behind para makalimot, para makapagpatawad, para makapagsimula ng bagong buhay, dahil sa bawat pagpikit ng mga mata, pagpatak ng luha at pagbalik ng mga alaala, sa isip ko pinapatay ko na sila ng paulit-ulit. Gustuhin ko man maging matuwid at mabuti hindi ko alam kung ang puso o ang isip ko ang pumipigil sa akin.
Nakakatakot lang na nagugustuhan ko na ang mga dugong nakikita ko.

Martes, Nobyembre 2, 2010
-Grandeur Traveler-: The Myth of the Human Bodies: The Exhibition in Ma...
-Grandeur Traveler-: The Myth of the Human Bodies: The Exhibition in Ma...: "I've almost forgotten to post this here. For those who want to understand more about the human body and its functions, this exhibition is ..."
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)